.Ano ba ang batayan ng tunay na pagmamahal? sa kwento ko sigurado makakarelate kayo....
itoy kwento ng pag ibig na umusbong pagkatapos ng ilang taon pa...pag mamahal na nasa harapan na dpa rin npapansin...
ngunit sa bandang huli ang pagmamahal na yun din pala ang sa kanya ay gigising...
.....si mark isang lalakeng gwapo at edukado, ipinakasal ke tina na simple lang ang ganda...dahil sa kasunduan ng pamilya....d gusto ni mark si tina, ngunit si tina meron nararmdaman na pagtingin ke mark simula nung silay teenager palang...dahil sa silay kasal ginagwa na nila ang gngawa ng mag asawa..nagsasama sila ng maayos kahit lam nila na isa lang ang nagmamahal..para kay tina ok na yun basta mahalaga mkasama nya lang ang pinkamamahal na asawa..nagkaanak sila ng lumipas ang dalawang taon, naging masaya ang pagsasama nila ng dahil sa kanilang anak....ala pa ring pagbabago ke mark meron man konti lang bilang respeto sa ina ng anak nya...
si tina maasikaso, pag aalis para pumasok sa trabaho, pag uwe galing trabaho lahat nkahanda mga kailangan nya...at kahit katiting na reklamo mula ke tina la sya naririnig.
...hanggang isang araw, umattend ng seminar si mark, dun nya nakilala si diana...isang sexy at magandang babae, na nkabighani sa kanya...mula nun si mark at diana ay nagkarun na ng komunikasyon.. halos araw araw na sila nagkikita...at lingid sa kaalaman ni tina..
hanggang sila ay nakarelasyon...kahi t na my relasyon na sila di pa rin alam kung san nakatira si diana..lage nyang hinhatid ngunit lageng hanggang iskinita lang sya...di nya alam kung bakit? lahat binbgay nya ke diana..kahit ano hilingin nito sa kanya... si tina kahit isa ala pa syang bagay na mahalaga na naiibigay...si diana lahat ke diana....
...nang muling magkita si mark at diana...tinanong nya na nmn kung san ito nkatira,,, ngunit dpa rin sinsabi ni diana ang bahay nila..
dahil dito sinubaybyan ni mark ang babae....ng malaman nya kung san ito nkatira, umalis sya bumili ng pang regalo para sa anniversary nila...at itoy susurprisahin nya...nagpunta sya sa bahay ni diana dala ang bulaklak at isang maliit na kahon..
...sya ang nasurpresa, sa knyang nakita.. isang babae at isang lalake nag tatalo, at mga batang nag iiyakan...
si diana at ang asawa nito nag aaway habang ang mga anak nila umiiyak...di sya makakilos sa nasaksihan nanlumo sya sa nakita
di nya akalain ganto ang kanyang malalaman... si diana isa lang palang opurtunista ang babaeng minahal nya dahil sa taglay nitong ganda at akala nya isa rin edukada...nagkamali sya, ginamit lang sya ni diana para sa sariling kapakanan.. si diana na walang ibang minahal kundi sarili lang...pabaya sa pamilya, walang kwentang asawa at walang kwentang ina... yaw nya masira ang mgandang katawan at mukha...nang mahimasmasan si mark sa pagkabigla, tumalikod sya at humakbang palabas... nakita sya ni diana, hinabol sya nito...ngunit ngpatuloy sya sa paglakad..bumalik sya sa sasakyan at umalis....
...umuwe sya ng bahay nadatnan nya si tina nghahanda ng pagkain inaantay ang paguwe nya...nkangiti sa kanya... bgla syang lumapit dito...niyakap nya ng mahigpit at hinalikan sa labi...sa unang pagkakataon na ginwa nya napaiyak si tina.. inabot nya dito ang dala nyang bulaklak at ang maliit na kahon..at nagtanong ito sa kanya... "anong okasyon?" "wala" sagot nya, "para sa pagmamahal, pag aasikaso at pag aaruga, gusto ko lang gantihan ka ng mga bagay na mahahalga!!!...ngbulagbulagan lang ako, nsa tabi ko lang pala karapat dapat at tunay kong mamahalin!!!! salamat sa iyong pagmamahal!!....binuksan ni tina ang kahon... isang diamond ring...
isang mahalagang bagay na mapupunta sana sa isang taong di karapat dapat... buti dpa huli ang lahat... napuno ang puso ng kaligayahan ni tina... "sa wakas dininig din ng Panginoon ang mga dasal ko!!...salamat Diyos ko!!...usal nya sa sarili... at yumakap sya ng mahigpit ke mark....
..si Tina dahil sa pagtitiis, di napapagod sa pagmamahal nkamtan ang knyang inaasam..
..si mark nagising sa katotohanan, nghahanap ng mamahalin nsa tabi nya lang pala..
..si diana di pa rin nagbabago, hanggat meron pa syang maloloko, gagawin nya para sa sariling kapakanan..
aral....makuntento kung ano meron ka, upang di pagsisihan bandang huli...di mahalaga ang labas na kagandahan kundi ang ganda ng kalooban.....
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento