Linggo, Mayo 27, 2012
Gitara;love story
Si Janessa...
Bagong sampa sa Makati galing sa Chicago... Ganda ng buhok nito, sobrang straight na may highlights na light brown... Tapos ung mata nya, parang pusa -- pero kulay Pinoy pa rin naman... Mestiza din kaya ahyan, kung sinu-sino ang nagagayuma... Atsaka, talented at matalino... Di yata natulog nung nagpaulan ang Dyos ng biyaya... Kinarir na lahat eh! --Joshua
Si Joshua...
Pasaway... Mahangin... at sandamakmak ng yabang!!! Ang sole attractive trait nya eh magaling maggitara at kumanta... Okay! Nabiyayaan rin ng nakakasilaw na good looks ang mokong... Lord talaga... Kung hindi vaklush ung papable, may mental defects naman... Haaaaayyy... --Janessa
Ito ay isa sa mga usual love stories na nababasa, na-wwitness, at syempre, na-eexperience ng kahit sino... May isang papable at ang kanyang object of pang-aasar -- este romance pala... May mga mini-extra at mga saling-tigre... At mawawala ba naman ang mga paliku-likong kalye sa buhay nila? -- ung parang kalsada paakyat ng Baguio -- kahilo!
Pero kahit anong mangyari...wala lang... magustuhan nyo pa rin sana!
-=CHAPTER 1=-
Joshua
Anong petsa na?!?! Nasan na ba ung babaeng un?!?
Pyesta ng brgy namin... At gabi-gabi, may battle of the bands sa basketball court... Dati, hanggang nood lang kameng apat ng mga kabarkada ko -- syempre, kasama dun sa nood na un eh ung pang-aasar na rin...
Pero ngayong taon, kinulit kami nung kaklase ni Mark, si Carla, na sumali, sya ung isang vocalist... Desperada na un ma-discover eh... O siguro, di ganon ka-desperada... Dahil isang oras na kaming naghihintay dito sa
basketball court, wala pa rin!!!
Mark: Langya, nasan na ba si Carla?!?
Ralph: Josh, tawagan mo na nga!
Ako: Hala, bakit ako tatawag?!? Eh may mga cellphone din naman kayo?!
Paolo: Lam mo naman pulubi kami sa load eh... Sige na, tawagan mo na...
Mga bubwit talaga tohng mga toh... Pasalamat sila, saksakan ako ng bait!
Kristine: Mu~g nawawala ung isa nyong vocalist ah?
Umikot kami para tingnan kung sino ung lumapit... Si Kristine, schoolmate namen at nakatira...dyan lang sa tabi-tabi... di ko lam kung saan eh... Malapit lang siguro kung nakikipyesta rin sya... May kasama syang isa
pang babae, pero di ko kilala eh... Pero ang ganda ha!
"Hello?"
Ay, balik sa cellphone!
Ako: (sigaw sa cp) Bubwit ka! Nasan ka na ba?!?!
Carla: *cough* Inuubo ako eh... May lagnat pa... Ayaw *cough* akong palabasin...
Ako: Ano?!?!? Eh pano kame?!?
Carla: Sorry talaga... *cough* Lilibre ko na lang kayo sa turo-turo when I'm feeling better...
Ako: Cheap mo naman... Turo-turo lang? Gawin mo nang McDo!
Carla: Hala yoko nga, mahal dun eh! Bastah, *cough* *cough* kaya nyo yan... Karirin mo na lang ung kanta... Go Josh!
Pagkatapos nun, bigla akong binabaan... Lokong un...
Mark: (tinign sa'kin) Oh ano? Nasan na raw sya?
Ako: (binalik sa bulsa ko ung cp) Di raw sya makakarating eh... May sakit...
Paolo: HUwaAaAATtTTT?!?!??
Ralph: Pano tayo?!? Anong mangyayari sa'tin?!?? Pano na lang ung babae dun sa
kanta?!?! Sya pa naman pumili nung kanta?!?! (hinila ung Tshirt ko)
Anong mangyayari satin?!?!?!?
Ako: (hinila pabalik ung damit ko) Ano ba?! Di pa katapusan ng mundo noh... Mag-bback out na lang tayo...
Paolo: Eh tayo na sunod pagkatapos nung grupong yan eh...
Natahimik kaming apat...
Kristine: Kawawa naman kayo...
Biglang napatalon si Mark...
Mark: (lapit kay Kristine) Lam mo, Kris, lam ko namang talented ka eh...
Kristine: huh
Mark: Baka gusto mong magpakitang-gilas ngayong gabi...
Hala, pati si Kristine hinaltak eh di naman kumakanta toh...
Kristine: (tinulak papalayo si Mark) Nababaliw ka na ba?!? Gusto mo bang magkaron ng 40 days and 40 nights na ulan?!?
Paolo: Sige na... Sandali lang naman eh... Kayang-kaya mo yan...
Kristine: Eh kung pag-untug-untugin ko kaya kayo?!
Bigla nyang hinila ung kasama nyang gurl na parang natatawa, sabay nabigla nung hinila sya ni Kristine...
Kristine: Ehtong si Janessa na lang! Pang-American Idol ang banat nyan!
Ahhh... Janessa pala pangalan nun...
Janessa: (napatingin bigla kay Kristine) Wha--?!?!
Tiningnan ko ung Janessa mula ulo hanggang paa... Sigurado bang nakakakanta toh? Eh mu~g hanggang beauty contest lang eh...
Mark: Sure ka? Kumakanta sya?
Kristine: Oo... Family singer yan... Tanging gifted child sa mga pinsan ko...
Janessa: Kris...?
Paolo: (lapit kay Janessa) Uh, hey, do you mind if you, ano, sing with us?
Ralph: Yeah... If you do, I will... (tumingin kay Paolo) Ano ngang english ng ililibre?
Kristine: (natawa) Mga sira! Nagtatagalog toh noh!
Paolo: Loko ka, bakit di mo sinabi?! Papahirapang mo pa kaming mag-spoken in dollar dito!
Kristine: Eh malay ko bang mag-eenglish kayo dyan...
Haaaaaaaayyyy... Bakit ba nila pinagdidiinan tohng babaeng toh?
Ako: Wag nyo na ngang pilitin yan... Mamaya, pang-karaoke lang yan eh!
Janessa: Excuse me?! Anong pang-karaoke?!?
Oo nga, nagtatagalog nga...
Hinila nya bigla si Paolo papunta sa stage -- tamang patapos na ung tumutugtog...
Janessa: C'mon, kung-sino-ka-man... What song are you gonna sing? I'mma be your other vocalist!
Whoa! Lakas ng fighting spirit ah! Oh well...
Sumunod na lang kami dun sa dalawa... Pag-akyat namin sa stage, tiningnan ako ng masama ni Janessa... Hala, ganon ba ka-insulting ung sinabi ko?
Nagsimula na ung music ng "Hold You Down" ni JLo at Fat Joe... Si Carla pumili
nito eh... Tapos sya pa wala ngayon! Grrrr!!! Nako, pag nakita ko talaga ung ---
Janessa: (kanta)Now you've been holding me down
For such a long time now
From back then
To now in my story
Straight from the hood
You've always been there for me
Whoa! Okay.... The girl CAN sing!
Napatingin ako kay Janessa -- kabisado pa ung lyrics ah... Tapos kay Mark, na
nag-DDJ sa isang sulok... Nginitian ako nung mokong...
Okay fine... Mali na nga ako... Nakakakanta nga tohng...tohng... Tiningnan
ko uhlet si Janessa... Ano bahng kapansin-pansin sa kanya? ung buhok
nya! wahaha... parang ung kay Chun Li sa Street Fighter!!! Meatballs!
Nakakakanta si Meatball!
Pagkatapos nung kanta, halos standing ovation oh! , tumingin sa'kin si Janessa...
Janessa: Pang-karaoke ha?
Janessa
Tumingin-tingin
ako sa mga people sa room... Hmmmm... Lahat sila may kausap -- except
ung lalakeng natutulog dun sa isang sulok... Sigh... OP ang lola moh...
Bago matuloy ang aking pag-eemote, eh biglang pumasok si Prof...
Hmmm... Tingin taas-baba sa prof ko... Akala ko ba papable ang mga prof dito?! Bakit mu~g tindero ng shabu toh?!?
Tumahimik bigla ung klase... oh di ba? Ibang klase ang power ng presence ni prof! nyaha!
Prof:
Okay... (binagsak ung bag nya sa lamesa) Lumapit kayo dito sa harap at bumunot ng number dito sa box na toh.. (may nilabas syang maliit na box from his bag) Then, look for the person with the same number, at un ang magiging partner nyo sa gagawin nating project...
Ang sungit naman nito!
Nagtayuan naman ung mga people at sumunod sa directions.. Pagkabunot ko nung number ko, bumalik ako sa upuan ko sa may likod...
#10? #10? Tingin ako sa paligid... #10? Yoohooo!!!
Tama yan, Janessa... Maririnig ka rin nyan after ilang decades...
"Oist, nakita kong #10 ka rin..."
Hmmmm... Familiar ung voice na un...
Umikot ako para tingnan kung sino ung nagsalita...
Oh hindeee!!!
Ako: Ikaw?!?!
Langyang luphet talaga ng fate!!! Bakit nandito si Joshua?!?
Joshua: Ikaw?!? Anong ginagawa mo dito?! Kailan ka pa pumasok dito?!?
Ako: Ngayon lang, nung pinasok ako ng pinsan ko... (kinuha ko ung papel sa
kamay nya para tingnan) Sigurado ka bang #10 ka?! Baka naman iba yan!
Joshua: (inagaw uhlet ung papel) Anong tingin mo sa'kin? Di marunong magbasa?!
Prof: Ehem!
Napatingin kame sa harap... Kaming dalawa na lang pala ang nakatayo... Syempre, sino pa nga bang titingnan ni Professor Adik?
Dahan-dahan kaming umupo ni Joshua...
Prof: Okay, since we're all FINALLY ready... (tingin sa'min ni Joshua) I'll explain the project to you...
*sniff* *sniff* Stranded ako kay Joshua... Waaaaaaaaaaahhhhh!!!
Prof: Compose your own songs to sing in front of class... Complete with the music and lyrics... You have one week to prepare...
Ugh! Too much work!
Ako: (bulong kay Joshua) And why do we have to do this in Theater class again?
Joshua: (bulong pabalik) SSsshhh!
Upo uhlet ako nang ayos... Hmpf! Ang shwungit naman nito!
Pagkatapos mag-explain si proffy at iniwan na kame to deal with each other, tumingin sa'kin si Joshua...
Joshua: Okay, punta ka na lang sa apartment ko
Ako: Hala! Bakit ako ang pupunta?!?
Joshua: Syempre, alangan namang magpakapagod pa ko para lang pumunta snyo... Eh di ko naman alam kung san ka nakatira...
Ako: As if alam ko kung san ka nakatira?!
Joshua: Bibigyan naman kita ng mapa eh... (naglabas sya ng papel at ballpen)
Ako: Sipain kaya kita dyan?!
All alone?! Sa apartment nya?!? Walang kasama?! Kaming dalawa lang?!?
Napatingin sa'kin si Joshua, sabay nung nakita nya siguro ung expression sa mukha ko, tinaasan ba naman ako ng kilay!
Joshua: Huy! Kung anu-anong iniisip mo dyan! Matauhan ka nga! Mataas standards ko noh...
Wha--?!?!?
Binatukan ko nga sya!
Ako: Mataas ang standards?!? Anong ibig mong sabihin dun!??! Sipain kita dyan eh!
Joshua: (napahawak sa ulo nya) Aray naman! Binatukan mo na nga, sisipain mo pa! Eh kung itapon kaya kita!?!
Ako: Che!
Kinuha ko ung sketch nya papunta sa kanila... Kapal ng mukha ng lalakeng toh! Grrrrrr!!!
Ako: Hintayin mo ko dun! Siguraduhin mo lang na may pagkain nang nakahanda ah!
Janessa
"HuwaAAtT?!?! Pupunta ka dun?!?! Mag-isa?!? Kayong dalawa lang?!?!? "
Sabi na nga ba ganito magiging reaction ng aking dalagang Pilipinang pinsan eh... Pagkauwi ko nung hapon, naligo lang me, nagbihis, at pinagkasya sa isang bag ung iba kong homework, tapos nagpaalam na ko kay
Kristine, na ka-share ko sa apartment, na pupunta ako kina Joshua...
Ahyan, nag-hyperventilate ang cousin dear ko...
Ako: (nagsusuot ng sandals) Ano ka ba? Over ka... Gagawa lang kami ng project noh...
Kristine: Pero, couz... Baka naman kung anong gawin syo nung lokong un...
Ako:
Suz...Di yan... Di naman siguro sya ganon... (tumayo at tumingin sa salamin) I mean, kahit na mukha syang ehwan, at kasing lakas ng hangin sa chicago ang dating nya... nah! Di naman siguro sya ganon...
Bago pa makakontra si Kristine, nag-vavush na ko, kinuha ung susi ng kotse,
at tumakbo palabas... Aabutin pa kame ng syam-syam kung hahayaan kong
magtuluy-tuloy ang kanyang worry-talk...
Okayyyy... kung liliko ako dito sa Magallanes, ang labas ko eh sa... Nasan na ba ko??
Tingin sa kaliwa, tingin sa kanan...and bow... ako poh ay nawawala...
Anoh ba yan?! Wala pa ngang 30 minutes eh!
Nilabas ko ung mapa ni Joshua at pinag-aralan uhlet... Uhmmm... Hmmm... Chuchu... Tama naman nilikuan ko ah?
"Huy!"
Kabayo!
Napatalon akong bigla nang biglang may sumilip sa bintana sa tabi ko... Pagtingin ko...
Suz! Ehto lang pala...
Finold ko ung papel at ni-roll down ung bintana... Oh di ba, ang galing kong
maghanap? Di ung street or apartment nakita ko, ung tao na mismo!
Joshua: Mukha nawawala ka ah..
Ako: Di naman masyado... Nasan ba ung apartment mo?
Joshua: (turo sa building sa end nung street) Nandun pa... Kaw talaga, di ka marunong sumunod sa directions...
Ako: Eh kung mukha ba namang matino at hinde mu~g doodle ng 2-year-old ung mapa na binigay mo sa'kin, eh di nasundan ko sana...
Joshua: Hoy, ano ka?! Ang ayos-ayos nung pagkakasulat ko eh! Buksan mo na nga ung kabilang pinto!
Ako: Bahket?!
Joshua: Syempre, alangan namang maglakad pa ko pabalik eh naka-kotse ka naman...
Ako: Ano ka sinuswerte?! Maglakad ka noh.. Bakit ba kase nasa labas ka?!
Joshua: Eh bumibili ako ng fishball eh... Ang tagal-tagal mo kase!
Ngumiti ako, sabay binuksan uhlet ung makina nung sasakyan...
Ako: Maglakad ka noh!
Nag-drive na ko papunta dun sa building, iniwan ung sumisigaw na Joshua dun... nyaha!
La lang... trip ko lang syang pikunin...
Pinark ko ung kotse sa parking lot, tapos bumaba... Pumasok sa building at umupo sa may hagdan... Ang tagal namang maglakad nun...
After ilang minutes, bumukas na ung pinto, at pumasok si Joshua...
Ako: Ang tagal mo naman... Anong petsa na?
Joshua: (binuksan ung pinto nung apartment nya) Che! Kung sinakay mo ba naman ako, eh di sana nasa loob ka na? Abno ka talaga...
Pumasok kami sa loob... Woooowwww... Ang linis ng apartment... Shocked As in, spotless... And to think, akala ko pag guy, laging messy... *gasp* Napatingin ako kay Joshua, up and down...
Joshua: (napatingin sa'kin) Ano nanaman?! Titig ka ng titig dyan... Kung may sasabihin ka, sabihin mo na lang!
Lumapit ako sa kanya, sabay titig sa mukha...
Ako: Hmmmm...
Joshua: Weh! Ano ba!??!
Ako: (nagstep back) Nah! I guess not...
Joshua: Ano?!
Ako: (ngiti sa kanya) I just thought, sa sobrang linis ng apartment mo, akala ko bading ka...
Joshua: What!??! Nababaliw ka na ba!? Sa gwapo kong toh?!?!
Ako: Yah well... May mga bading naman na mas gwapo syo noh... Don't flatter yourself...
Pumunta ako sa living room, tingin-tingin... May gitara na nakasabit sa isang sulok... Nilapitan ko nga...
Ako: You can play the guitar pala...
Joshua: (umupo sa couch, may hawak na papel at ballpen) Yah...
Ako: Are you gonna play para sa project natin?
Joshua: Hell no!!!
Napatalon akong bigla... Ano bang sinabi ko? Huh Bakit kailangan pa kong sigawan?
Ako: W-why not?
Umayos ng upo si Joshua tapos tinanggal ung takip nung ballpen...
Joshua: Coz I don't play the guitar anymore...
Hmmm... Okaaaaaaaayyy...?
Joshua
Halos midnight na nung nag-call quits kami ni Janessa... Wag nyo nang itanong kung anong natapos namin... Bukod sa mga drawings eh, puro linya lang ang laman nung papel...
Hanggang sa wakas, nagutom si Janessa
at pinagluto ako ng kahit ano raw meron sa ref... Pagbalik ko naman, ahyun, tulog na sa couch ung babae... Napagod yata sa sobrang pagkontra
sa'kin...
Binalik ko sa kusina ung pancakes, tapos pinuntahan si Janessa... Gigisingin ko ba? Baka naman nangangagat toh pag bagong
gising?!?
Nah! Di naman siguro...
Ako: Huy... (pinindot-pindot ko ung pisngi nya) Huy... Gising... Umuwi ka na...
Janessa: (tulog pa rin) Huhmppf bft...
Hala... alien talaga tohng meatball na toh!
Ilang minuto pa ang binuhos ko sa paggising sa kanya, wa epek... Kaya tumayo na lang ako, kinuha ung telepono at tinawagan si Kristine para sabihin na dito matutulog ung pinsan nya...
Kristine: ANNNNOOOOOO?!?!?!? Bakit?!?!??!
Wesh! Sumigaw ba sa telepono?!?!
Ako: Ano ba?! Bibingihin mo ba ko?! Wag ka ngang mag-alala, di ko pagtatangkaan yang pinsan mo noh...
Kristine: Aba, dapat lang! Nako, Joshua! Pag may nangyari dyan sa pinsan ko, huhuntingin kita at kakainin ng buhay! Okay?!?!
Hala! Maging monster ba all of a sudden?!?!
Ako: Oo na...
Binaba ko ung telepono, tapos lumapit ulit kay Janessa na sleeping peacefully dun sa couch... Pumasok ako sa kwarto ko at kumuha ng kumot at unan... Oist, may dugong gentleman naman toh noh...
Tinakpan ko sya ng kumot, tapos dahan-dahan kong inangat ung ulo nya para ilagay ung unan... Pagkalagay ko nung unan, tiningnan ko muna sya sandali...Ngayon ko lang napansin... Ang cute nya pala...
Ang tahimik pa ng mukha nya pag natutulog.. Parang walang problema sa mundo... Sarap titigan...
Parang si...
Napatayo akong bigla nung napansin ko kung ano -- o sino -- na ung iniisip ko...Lumapit ako dun sa nakasabit na gitara at tinanggal un sa pagkakasabit... Anim na buwan na ang lumipas... ngayon ko na lang uhlet toh hinawakan ng ganito...
Pumunta ako sa kusina para kumuha ng basahan... Naipon na ung alikabok sa gitara ko eh...
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento