Halos 6 PM na nang matapos namin ni horsey lahat ng rides, booth, at mga horror houses na gusto naming pasukin... Syempre, time to go na -- ferris wheel na! yipeeeeeee!!! Hinila ko si Joshua papunta sa ferris wheel... Enjoy na enjoy ang mokong... Turo ng turo sa mga rides na gusto nyang sakyan... Parang bata... Pagtigil namin sa harap ng ferris wheel, bigla syang nanigas, sabay namutla... Ako: What's wrong? Joshua: S-s-sakay tayo d-dyan? Ako: Yup, it's the grand finale nga di ba? Bigla nya binitawan ung kamay ko, sabay nag-stepback ng konti... Joshua: Sige, ano... hihintayin na lang kita dito... Ako: Huh? Ano ka ba? Ang ganda-ganda ng view sa taas, ma-mmiss mo pa... Joshua: Di... May view naman dito eh... Ung mga rides... cotton candy... Yup, satisfied na ko sa view dito... Ako: Ano ka ba? Tinitigan ko syang mabuti sa mata... Iniisip kung ano nanaman kayang problema at nagiging KJ toh... Toink! -- At tinamaan ako ng idea! Ako: Aha! (turo sa mukha nya) Takot ka sa heights noh! Joshua: A-ano?!?! H-hinde ah! Ako: Ahsuzzz... Sipain kita dyan eh... Kinuha ko uhlet ung kamay nya, sabay haltak sa kanya papunta dun sa naghihintay na cabin nung ferris wheel... Bago pa sya makawala, pina-ikot na nung worker ung wheel para makasakay sa susunod na cabin ung nasa likod namin... Ako: (tingin kay Joshua) Horsey, relax... Di tayo babagsak, promise! Joshua: Heh! Maya-maya, nagsimula nang umikot ung ferris wheel! Yahoo!!! Pagdating namin sa taas, hinila ko ng konti ung sleeve ni Joshua... Ako: Horsey, wag ka ngang tumingin sa sahig lang... Tumuro ako sa labas... Ako: Look mo oh... Kitang-kita dito ung araw na lumulubog! Dali, tingnan mo! Umikot sya ng konti para tumingin... Nung nakita nya ung mga sunset, ahyun, na-focus na ung mata nya dun... At everytime na nasa taas kame, tumitingin na sya dun... Pagkatapos nung ride, ngumiti ako kay Joshua... Ako: See? Patakot-takot ka pang nalalaman sa heights... Ganda ng sunset sa taas noh... Joshua: Sino bang may sabing takot...
Tinitigan ko si Trixie na nakaupo pa rin dun sa harap ng dining table... Ang tahimik ah! Malamang naalala nyang dun sa crack sa wall ko nilalagay ung spare key... Kaya ehto, nakapasok... Biglang tumayo si Trixie, tapos humarap sa'kin... Teka...hinga lang muna ako... Trixie: Bakit, Josh? Huh? Trixie: Why did you break your word? Sabi mo you'll wait for me... Kahit gano katagal... Ako: Trix, I did... Naghintay ako.. I still am! Trixie: Then bakit may kasama ka na kagad na iba dito?!? Ako: Si Janessa?! Trix, I swear, we were forced to live together! Kahit tanungin mo pa sya.. And about dun sa letter... Di ako nagsulat nun... Trixie: Then who did?!? Ako: How about your family?! Natahimik syang bigla... Trixie: No... My dad finally gave me his permission to go back... They wouldn't write such a thing... Ako: Don't you see?! It's a perfect crime! Nakz, perfect crime! wahaha... Ako: Papaisipin nilang ok na sila sa'tin, tapos lalabas un, eh di ang labas, inosente sila... Tiningnan ako ni Trixie... Una, langya! Ang lamig ng tingin! Kung X-Men toh, malamang, may lumalabas nang ice cubes sa mata nya! Tapos biglang natunaw ung ice... Halos paiyak na ung mata nya... Trixie: I don't know what to think anymore... Na-frozen ako... Langya! Umiyak ba naman sa harap ko!?? Eh na-papanic nga ako pag may umiiyak! Eh di syempre, ginawa ko kung anong normal na gagawin ng mga tao sa TV.. (Nahawa na kay Nessy panonood ng telanobela)... Nilapitan ko si Trixie, tapos niyakap ko... Ako: Wag kang mag-alala, Trix... I'll be here... I'll be here for you... Lagi na yan... Squuueeakkk... Napaikot kaming dalawa sa likod ko, kung nasan ung pinto... Nanlaki bigla ung mata ko nang makita ko si Janessa na nakaluhod sa sahig... Dahan-dahan kong binitawan si Trixie... Janessa: (biglang tumayo) I... I'm sorry... I... Tumingin sya sa'kin tapos kay Trixie, tapos sa'kin uhlet... Nangilabot ako sa tingin nya... Di naman ung nakakatakot na galet... Walang expression eh... Un ung nakakatakot......
Paggising ko nung umaga, ang una kong tiningnan ay ung orasan... At ang unang inisip ko... Gutom na ko... Kaya lang antok pa win ako eh.. Abah, 8 lang oh, anong oras na kame natulog ni horsey...halos 1 na win... shosyal, kumain lang kame habang nag-uusap...hehe... Abah, teka... Napabukas uhlet ung mata ko, tapos biglang tayo...Bakit parang may gumagalaw sa labas? Dahan-dahan kong binuksan ung pinto, tapos sumilip sa labas... "Biglang may box from outerspace Nakita ko sabay kinuha ko `Yung box from outerspace Binuksan ko at nasindak May picha pie sobrang laki Tinikman ko within five seconds Naubos ko parang mani" My golay... Si horsey ba ung kumakanta na un? Naglakad ako palabas, tapos pumunta sa kusina... My gush! Si horsey! Nagluluto! Tumayo lang muna ako dun sa may pinto, pinapanood sya -- tsaka nakikinig na rin sa kanya early morning na alarm clock -- este, kanta pala... "`Coz now I love my picha pie As long as I eat picha pie I know I'll be alive I want all my garlic beef Pepperoni, double cheese Ang picha pie, picha pie...Penge!" Langya, aga-aga, yan ba naman kantahin... Nung tinanggal nya na sa kawali ung sa tingin ko eh dapat na sunnyside-up na itlog (na mu~g scrambled eggs?), dun nya lang ako napansin... Joshua: Oh, Nessy, gising ka na pala... Ako: Sa lakas ba naman ng pagkanta mo, sinong di magigising? Tukso lang...hehe... Joshua: Hoy, maganda naman boses ko noh. Ako: (umupo na para mag-almusal) Sige, sabi mo eh... Joshua: Pa-deny ka pa dyan, in Lab ka rin naman sa boses ko... Ako: Horsey, ang yabang mo... Sipain kita dyan eh ding! dong! Napatigil kaming dalawa.. Tumingin ako sa kanya... Sya naman, tumingin din sa'kin... ding! dong! Joshua: Ano? Makikipag-bato-bato-pick ka nanaman? Haaaayyy, bubwit... Tumayo na ko, tapos papalagpasin ko ba naman...bago ako tuluyang makalabas, eh guluhin ko muna buhok ni horsey...hehe... Joshua: Oy, anoh ba?!? Wahehe...tapos nun, takbo na palabas para buksan ung pinto... Pagbukas ko nung pinto, sumalubong...
YyyyaaaaaaaaaWwWnnnnnnnnn... Umikot ako sa kama tapos sumilip sa relo na nakasabit duuuuuunnnn sa pader sa kabila nung kwarto ko... 9:00 na... Gwabeh... Aga pa...Pero op cors, dahil mabait naman ako, eh tumayo na rin ako para naman paggising ng mga people eh may almusal na sila... Ava'y wait-a-minit... Napaupo akong bigla tapos tumingin dun sa tabi ko... Nasan si Jodi? Tumayo na ko, suklay muna tapos itali sa ponytail... Lumabas ako ng kwarto -- and voila! Avaah, gising na ang mga people -- kahit ang tulog mantika na si Joshua! Joshua: (nung nakita ako) Uy, nagising ka pa... Anong petsa na? Ako: Shut up... Joshua: (lumapit sa'kin) Tingnan mo toh, aga-aga, lumalabas nanaman pagkasungit mo... Ako: Tingnan mo toh, aga-aga, binubwiset nanaman ako... Richie: Weh, tingnan nyo nga kayong dalawa, aga-aga, may LQ na kagad... Mark: Sya, sige...Mag-tinginan na kayo... Tumingin ako sa lamesa... Okay na, nag-aalmusal na sila... Umikot na ko para bumalik sa kwarto ko... Jodi: Oh, Nessy, san ka pupunta? Di ka ba kakain? Ako: Mag-sshower lang ako... Pumasok ako ng kwarto, at kinolekta ang aking mga parapernalias sa pagligo... Di ko napansin na nasa likod ko pala si horsey hanggang kinalabit nya ko... Syempre, ako naman, eh napatalon sa gulat! Horsey talaga toh! Ako: (ikot para tumingin sa kanya) Anoh ba?! Bibigyan mo ba ko ng heart attack? Joshua: Heart attack? Nagkaka-effect na ba ung mga kinakain mong cholesterol? Ako: Anong cholesterol?! Che! Bakit ka ba nandito? Samahan mo kong magshower? Joshua: A-ano?!? Sira! Ako: (natawa) Joke lang! Kaw naman! Wahehehe... Namumula si horsey oh...wahahahaha... As if naman seryoso ako noh... Ako: Oh ano nga? Bakit ka nga nandito? Joshua: Kaseh, ung sa kagabi... Ako: Ano kagabi? Joshua: Ung narinig mo... Oh my golay... Na-sspeechless pa pala ung kapal na mukha nyang toh... Sasabihin lang eh... Ako: Ung sinabi mong bakit di na lang pwedeng dalawa kame ni Trixie? Joshua: A-ano... wahahahahaha... Bumalik nanaman lahat ng dugo nya...
Napatitig lang ako kay Janessa... Iniisip kung anong gagawin ko... Tatakbo na ba ko o hihimatayin? hehe... Tahimik lang din na nakatingin sa'kin si Nessy... Nakakapikon talaga pag ganitong di mo mabasa kung anong iniisip nung isang tao... Haaaayyyy... Janessa: (tumingin bigla sa relo) Oops... Gotta go... Hinihintay na ko nung grocery... Ako: Di ka pa namimili? Janessa: Naiwan ko kaseh ung wallet ko, kaya bumalik ako... Bwiset na wallet yan! Nagpa-iwan pa! Ako: A-ano... Nessy... Janessa: Hmm? Ano bang iniisip mo?!?!? Umupo ako dun sa couch, tapos sinabihan syang maupo sa tabi ko... Janessa: B-baket? Anong meron dyan? May daga ba dyan?! Nako, horsey, pag dyan lang may daga, ipapakain ko syo un! Ako: Anong daga? Wala noh! (napaisip) Pero tatandaan ko un for someday... Janessa: Sipain kita dyan eh... Umupo naman sya sa tabi ko... nandun ung proper space, at ang walang kamatayang awkward silence... Ako: Nessy... Galit ka ba? Janessa: Bakit? Di ako makatingin ah! Baka biglang umiyak toh... O kaya bigla akong sakalin! Ilambitin patiwarik sa labas!...Oh hindeeeeee! Ako: D-dahil dun sa mga narinig mo... Ung mga sagot ko sa tinanong ni Trixie... Janessa: Ay suz! Un lang? Di ako galeet noh... Ako: No, really... (tumingin na ko sa kanya) It's okay if you wanna punch me... Janessa: Ayoko nga... Ako: Kick me? Janessa: No... Ako: Bite me? Janessa: Eh batukan na kaya kita ngayon? Ako: So you ARE mad! Janessa: Oh, shut up... Tumahimik naman ako... Baka nga bigla akong kagatin, wala pa namang anti-rabies yan... Janessa: I understand naman why you said those things eh... Napatingin uhlet ako sa kanya... Nakatingin lang sya dun sa carpet sa paa namin... Ooooohhhh... mu~g seryoso na ah... Janessa: I'm not trying to come between you and Trixie... Alam ko naman na sa tagal ng pinagsamahan nyo, syempre may bond na kayo na kahit ako hinde ma-bbreak... Ngumiti sya ng konti... Ako naman, eh ehto, inaatake na ng guilt... Janessa: I don't want to compete with Trixie din... Kaseh...
Yaaaaaaaaaaaaaaawwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwwnnnnnnnnnnnn nnn... After 10 years, natapos na rin ang first day ng klase...Di ko man lang na-miss mga pagmumukha ng mga prof ko...hehe... Naglalakad ako sa parking lot papunta sa kotse ko nang biglang may napansin akong mga babae na nakatambay dun sa isang kotse na dadaanan ko.. Ay suz... Sa dinami-dami naman ng makakasalubong oh... Toh pang three witches na toh... Nung napansin nila ako, tumayo silang tatlo.. Langya, bawat oras na lang ba na nakikita ako ng mga toh eh haharangin ako para lang sumbatan... Una, dahil kay Joshua.. tapos di ko raw mapaplitan si Trixie.. Eh bubwit... sino bang may sabing papalitan ko un? Witch 1: (ngiti nang masama) Well, well... Look who's here... Ako: Yeah well... It's a free country kaya dito ako dumadaan... Witch 2: So, anoh? Na-realize mo na ba na di mo mapapantayan si Trixie... Witch 3: Dikit ka pa ng dikit kay Joshua namen... Ako: Di ako glue para dumikit noh... Naglakad na ko para ikutan sila, kaya lang, humarang eh... tataba kaseh.. wahehe...joke lang.. Ako: Pwede ba... Padaanin nyo na nga ako... uuwi na ko eh... Witch 1: Bakit di ka pa mag-move out sa apartment na un? Witch 2: Oo nga, eh singit ka lang naman dun... Langya, alam na yata ng mga toh lahat ng nangyayari sa buhay ko eh -- o sa buhay ni Joshie... Wahahah.. stalkers! Witch 3: Kapal ng face mo na mag-stay pa dun...Tingnan mo, lumalabo tuloy relasyon ni Trixie at Joshua... Dahil syo, di sila magkabalikan! Kavoom! Ako... ako... ako... puro na lang ako... Kasalanan ko ba na dun ako pinatira ng destiny (at ni Kristine)... Tsaka, ayaw akong paalisin ni Joshie eh, bakit ba?! "Hoy, mga piglets kayo! Ano nanamang ginagawa nyo kay Nessy!?" Tumingin ako sa likod para tingnan kung sinong dumating... Well, sa boses pa lang pala eh alam ko na... Sina Richie at Arianne nandun sa likod ko... Witch 1: (kay Richie) Pakielam mo ba? Di mo gulo toh noh! Richie: (tumabi sa'kin) Aba! Sumasagot kang bruha ka?! Inaaway nyo nanaman tohng...
Ooooohhhh...Take a deep breath... inhale...exhale...inhale...exhale... Napatingin uhlet ako dun sa namimilipit -- naka, exagge...hehe...di naman namimilipit, pero in pain -- na si Trixie... Inhale! Exhale! Inhale! Exhale! Inhale! Exhale! *cough* *cough* Shtupid! Sabi ko take a deep breath, di ko sinabing habulin mo ung breath! Tumingin sa'kin si Trixie... Nginitian ko na lang sya... Napahiya na beauty ko eh... Mabilaukan ba naman sa sarili mong hininga.. Ako: Ah...hehe... ok lang ako... Di sya umimik...Tumingin ako sa paligid...Anoh kayang ginagawa nito dito? Nakikipag-taguan dun sa mga bata sa kanto? Ako: Uh, Trixie... Anoh...Anong ginagawa mo dito? Anong nangyari syo? May pinagtataguan ka ba? Trixie: (chuckles) Dami mo namang tanong... Hmp! Kasalanan ko ba eh sa curious ang balat ko? And besides, di araw-araw na-- whoa! Bigla akong hinila ni Trixie patabi sa kanya, patago rin dun sa likod nung halaman... Ako: Anong--? Trixie: Sssh! Shut up naman ang motor ng bibig ko... Sumilip din ako dun sa kalsada kung san nakatingin si Trixie... May dalawang lalake na naglalakad ng mabilis, patingin-tingin sa paligid... In fairness, kamukha sila ni Shrek -- no offense sa mga fans ni Shrek -- pero mukha talaga ogre ung dalawa...hehe... ang fanget! Sama ko noh? Nung nakalagpas na ung dalawang ogre, tumingin ako kay Trixie... Ako: Sino un? Trixie: I don't know... They just suddenly started following me... Ako: Stalker? Trixie: (shrug) I haven't been here for a while... Anyway, they just suddenly appeared out of nowhere and started to go after me... Ako: So you ran sa takot? and then tripped somewhere here, kaya nagtago ka dito ngayon? Trixie: Pretty much... Aaaaaahhhh... So ahyun sa aking pagkakaintindi, eh naglalakad si Trixie sa kung saan nang biglang sumulpot ung dalawang ogres mula sa kanilang swamp, tapos ini-stalk si Trixie...Ngayon nag-panic si Trixie, kaya nagsimulang tumakbo, tapos takbo rin ung dalawang ogres...tapos, biglang natapilok si Trixie, na-sprain...
Ilang linggo na rin ang lumipas simula nung inaway ako ni Nessy at tumakbo sya palabas at pagbalik eh wala naman ung mantika... Sardinas tuloy kame nung gabing un....haaayyy... Tinatanong ko naman kung san sya galing, ayaw namang sumagot... Naligaw raw sya... As if naman! Bumagsak siguro toh sa course Lying 101... Pero di ko na rin pinilit, kung ayaw sabihin, eh di wag... Isa sa mga araw na wala syang pasok, pero ako meron, eh kumakain kami ng almusal... Abno din tohng si Nessy eh... La namang pasok, gigising-gising ng maaga... Parang di ako marunong magluto ng sarili kong almusal... Eh may cereals naman sa ref! Nilagay ni Janessa ung pancakes sa mesa, tapos ikot uhlet sa kusina papunta naman sa ref... Langya, kanina pa sya ikot ng ikot, nahihilo na ko... Ako: Huy! Maupo ka na nga! Parang kang bubuyog dyan... Janessa: (naglabas ng tubig sa ref tapos umupo na) Horsey naman, aga-aga, inaatake ka nanaman ng ka-sungitan mo.. Ako: Anong ka-sungitan? Ang bait-bait ko nga eh Janessa: Eh? Ako: Oo noh! (subo ng pancake) Wag ka nang kumontra, lam ko namang totoo... Janessa: Ahsuz... Tahimik kami sandali... Kain lang... Nilalasap kaya tahimik...nyaha... Nung busog na kame, nagsalita uhlet si Nessy... Janessa: Horsey... Ako: Hm? Janessa: Malapit na Pasko... Ako: Ngayon? Janessa: Lam mo na... Ako: Ano nga? Mu~g importante toh ah... Ako: Anoh... Pupunta ka ba sa Chicago para makasama mo family mo? Janessa: Awww.. Don't look so sad, horsey... So pupunta nga sya? Ako: Di noh... Ok lang un... Dito lang naman ako.. Mag-isa...sa Pasko... sa Noche Buena, all alone... Pak! Langya, batukan ba ko! Janessa: Drama mo, sipain kita dyan eh... Ako nagpauso nyan eh... And besides, di ako pupunta sa Chicago for Christmas noh... La akong pera... Itatanong ko lang... Kung anong regalo mo sa'kin? Tinitigan ko sya... Eh...un lang? Ako: Eh loko ka pala, ang dame-dame mo pang pasikot, tatanong mo lang pala kung bibigyan kita ng regalo! Janessa: Eh kaseh naman, todo ang takbo ng mileage...
Kinabukasan, nakatambay kami nina Richie, Arianne, at Jodi sa FoodCourt sa Megamall... Yah, pansin nyo, suki na kami ng mall na toh? Yan ang MegaMall -- home away from home... Lakas na ng kita nila dahil sa'min... Kain kami sa McDo kaseh nagsawa na kame sa Jollibee, at binibilang na rin ung mga bumabagsak dun sa ice rink sa tabi ng FoodCourt... nyaha... Ako: So, pinsan mo pala si Trixie, Rianne? Arianne: (kagat sa burger nya) Richie: Eh!??!?! Tal-a-gah!?!? Arianne: Oo nga... Bahket? Jodi: Bakit di mo man lang sinasabi? Pano na lang kung ipa-ambush namin syang bigla, tapos pinsan ka pala...eh di may evidence na kagad... Arianne: Mga loka... It's not like ganon kami ka-close noh... 2nd cousin ko lang sya, at once in a blue moon lang kami magkita... Black sheep ng pamilya ung babaeng un eh.. And besides, bakit ko naman sasabihin snyo eh di naman kayo nagtatanong... Haaaayyyyy...Yan na ung most hated excuse na naririnig ko... Ang "di mo naman tinanong" palusot... Kokontra pa sana ako nang may nakita akong shining shimmering splendid sa likod nina Arianne at Jodi... Oh my! Si Mr. Papable Ken! Richie: *gasps* Oh my heart! Napatingin ako kay Richie... Just as I thought, nakita nya na rin si Ken, kaya nag-Oh my heart sya dyan sa tabi ko... Richie: Totoo ba itich? May isang anghel na bumaba sa langit upang ako'y dalhin sa paraiso? Ako: Loka... Bago pa kayo makarating dyan sa "paraiso" mo eh nadaganan mo na ung "anghel" mo sa sobrang overweight mo... Richie: Hoy, excuuuuzzze moi! Slim toh noh! Biglang napatingin sa direksyon namin si Ken... At kahit na natabunan kami ng mga people, abah, eh nakita pa rin ako na parang rainbow colors ang aking hair... Richie: Oh my goshingnezz! Pupunta na sya dito! Thiz iz it! Cloud 9 hello! Arianne: Cloud 9? Cheap mo naman...Ayaw mo nang Sneakers? Richie: Che! Lumapit sa'min si Ken, tapos ngumiti sa'kin... Ken: Nessy... Ako: (tingin kay Ken) Uy, kaw nanaman... Anong ginagawa mo dito? Arouch! Napatingin akong bigla dun sa braso...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento